Pangulong Duterte, hinamon ang gobyerno na magsampa ng kaso kung may sapat na ebidensiya higgil sa maanomalyang COVID-19 supplies

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang senado na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation kung may sapat ang mga itong ebidensiya.

Kasunod ito ng pagdinig ng Senado sa umano’y maanomalyang COVID-19 supplies na binili ng gobyerno sa Pharmally.

Sa Talk to the Nation ng pangulo kagabi, iginiit nito na hindi isang ‘cirminal court’ ang senado kaya hindi dapat ito magsagawa ng mga ‘witch hunt’.


Kung magkakaroon aniya ng sapat na ebidensiya ay sinabi ng pangulo na dapat na itong isampa sa korte at hindi na gamiting witch hunt in aid of election.

Sa ngayon, isang memo na ang inilabas ni Pangulong Duterte na pormal na nag-uutos sa mga cabinet members nito na bawal nang dumalo sa pagdinig ng senado sa maanomalyang COVID-19 supplies.

Facebook Comments