Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na magharapan na sila.
Bago ito, sinabi ni Zarate na ikinalugod nila nang ihayag ng International Criminal Court (ICC) na nagkaroon ng crimes against humanity sa ilalim ng termino ng Pangulo.
Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” sinabi ng Pangulo na dapat magharapan sina Zarate ‘lalaki sa lalaki.’
Dagdag pa ng Pangulo na maaaring kunin ni Zarate si dating Senator Antonio Trillanes IV bilang kanyang bodyguard.
Tinawag din ng Pangulo si Zarate bilang “hypocrite” at “chauvinist pig.”
Kinuwestyon din ng Pangulo kung paano pinopondohan ni Zarate ang pagpapa-aral sa kanyang anak sa ibang bansa.
Maaaring ginagamit ng mambabatas ang rebel taxation para sagutin ang pagpapaaral ng kanyang anak sa Europe.
Regular ding nagpapadala ng pera si Zarate sa kanyang anak.
Matatandaang itinuturing ng Pangulo ang mga progresibong grupo na kinabibilangan ni Zarate bilang legal fronts ng Communist Party of the Philippines (CPP).