Itinutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa mga immigration personnel na sangkot sa “pastillas” money-making scheme matapos malamang suspendido lamang sila.
Matatandaang sa huling State of the Nation Address (SONA), ipinagmalaki ni Pangulong Duterte ang kanyagn anti-corruption efforts, kabilang ang pagsibak sa 43 immigration personnel na sangkot sa naturang modus.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi alam ng pangulo na hindi pa natatanggal sa serbisyo ang mga sinasabing immigration personnel.
Pagtitiyak naman ni Roque na ang mga sangkot na immigration personnel ay masisibak sa tungkulin.
Sa ilalim ng ‘pastillas’ scheme, nirorolyo ang pera sa loob papel kaparehas ng matamis na panghimagas at ibibigay ito sa immigration personnel sa paliparan kapalit ng mabilis na pagpasok ng mga dayuhan partikular ng Chinese nationals sa bansa.