Pangulong Duterte, hindi dadalo sa ASEAN Summit – Palasyo

Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t wala ang Pangulo ay dadalo naman ang ating kinatawan sa Department of Foreign Affairs.

Wala namang binanggit ang tagapagsalita ng Pangulo kung ano ang dahilan ng hindi nito pagdalo pero inaasahang tuloy pa rin ang virtual meeting nina Pangulong Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga.


Matatandaang nitong buwan din ay nagkausap sina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin kung saan tinalakay nila ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments