Bumuwelta si Senator Richard Gordon sa ilang beses patutsada sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ng “overpriced” na medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ayon kay Gordon, hindi dapat mag-astang abogado si Pangulong Duterte sa mga personalidad na dawit sa isyu ng kumpanyang Pharmally.
Ipinagtanggol naman ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang pangulo at sinabing hindi totoong nakikialam si Pangulong Duterte sa isyu.
Kahapon ang ikapitong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu.
Facebook Comments