Manila, Philippines – Binigyang diin ng Pamahalaan na hindi obsessed si Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial Law.
Ito ang reaksyon ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon sa sinabi ni NDF Founding Chairman Joma Sison na obsessed ang Pangulo sa Martial law at ginagamit na escape goat ang NPA para ideklara sa buong bansa ang batas militar.
Ayon kay Esperon, matagal nang sinabi ni Pangulong Duterte na napilit lang siya na magdeklara ng Martial Law dahil sa mga nangyayari sa Mindanao.
Paliwanag ni Esperon, nag-sorry din naman si Pangulong Duterte sa mga taga-Marawi City at sa mga naapektuhan ng idineklara niyang Martial Law.
At kung mayroon man aniyang opisyal ng pamahalaan na nagsisisi sa pagdedeklara ng martial law ay si pangulong Duterte yon.
Sinabi pa ni Esperon na si Pangulong Duterte ay advocate ng Federalism na nag didistribute ng kapangyarihan sa mga rehiyon na kabaligtaran ng obsessed sa martial law at kapangyarihan.