Ikinalulungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte na huhusgahan lamang siya pagdating sa COVID-19 response at hindi sa mga pangakong kanynag natupad.
Sa State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya aakalain na ang tanging titingnan ay kung paano ang COVID-19 response ng pamahalaan at hindi ang kanyang campaign promises kabilang ang paglaban sa ilegal na droga, krimen, at korapsyon.
“I have to admit back when I decided to answer your call and run for higher office, never did I imagine my presidency will only be judged by how I made good in my campaign promises in fighting illegal drugs, criminality, corruption, but how I led our nation during the global pandemic,” ayon sa pangulo.
Iginiit ni Pangulong Duterte na nagawa ng pamahalaan na iprayoridad ang kalusugan ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng Bayanihan laws.
“We move quickly to safeguard the well-being of every Filipino to preventive responsive health safety measures and broad inclusive social amelioration program or SAP, thanks to the support of Congress,” anang Punong Ehekutibo.
Binanggit ni Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay mayroong 260 accredited laboratories sa buong bansa, na kayang makapagsagawa ng 50,000 test kada araw.
Nakapagtayo rin ng 9,000 temporary treatment and monitoring facilities o may total bed capacity na nasa higit 140,000.