Muling nanindigan ang Malacañang na hindi interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang kaniyang termino.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi interesadong manatili si Pangulong Duterte sa Palasyo na hihigit sa itinakdang termino ng Konstitusyon.
Iginiit ni Roque, hindi nila ikinokonsiderang option ang pagpapaliban sa halalan dahil nakasaad sa Konstitusyon ang eksaktong petsa kung kailan gagawin ang eleksyon.
“The only way it can be postponed is if the Constitution is amended kasi sa Saligang Batas, naka-specify yung petsa ng halalan para sa presidente, bise presidente, kongreso at senador,” dagdag ni Roque.
Gayunpaman, ipinauubaya na ng Pangulo sa taumbayan kung nais nilang amyendahan ang Konstitusyon upang maipagpaliban ang 2022 National Elections.
Samantala, kinikilala ng Palasyo ang plano ng Commission on Elections (COMELEC) na magpatupad ng bagong pamamaraan sa pagsasagawa ng halalan sa gitna ng pandemya.