Pangulong Duterte, hindi ipaliliwanag kung bakit si Rep. Roque ang ginawa niyang tagapagsalita

Manila, Philippines – Ayaw nang magpaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit niya itinalga si Kabayan Representative Harry Roque bilang kanyang tagapagsalita kapalit ni Undersecretary Ernesto Abella.
Sa interview kay Pangulong Duterte sa Davao City bago ito umalis patungo ng Japan ay sinabi nito na personal niyang desisyon ang pagpapalit ng kanyang tagapagsalita.
Nagpahiwatig naman din si Pangulong Duterte na mayroong posisyon na naghihintay kay Abella sa kanyang administrasyon.
Sinabi kasi ni Pangulong Duterte malalaman nalang ito ng Publiko kapag naka puwesto na si Abella.
Samantala hindi paman pormal na umuupo bilang tagapagsalita ay bumanat na agad si Roque sa mga kritiko ng adminsitrasyon.
Sinabi ni Roque na babatuhin niya ng adobe ang mga bumabatikos ni Pangulong Duterte at mga pinaiiral na polisiya at programa ng Administrayon.

Facebook Comments