Pangulong Duterte, hindi kailangang humingi ng patawad sa kanyang “hostage” statement laban sa EU

Iginiit ng Malacañang na hindi kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kanyang pahayag tungkol sa pag-aakusa niya sa European Union (EU) na iniipit ang AstraZeneca Vaccines.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ihayag ng EU na hindi makaaapekto sa COVID-19 vaccine supply ng Pilipinas ang kanilang export control mechanism.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kailangan ng Pangulo na humingi ng patawad sa kanyang binitawang pahayag dahil nilinaw na ng EU ang isyu.


“Ang lumalabas eh nagkakaroon nga po ng vaccine nationalism at yun po ang issue na nilabas ng ating Presidente,” dagdag ni Roque.

Malugod namang tinatanggap ng Palasyo ang paglilinaw ng EU hinggil dito.

Pero ipinunto rin ni Roque na kung hindi magre-react ang Pangulo sa isyu ay hindi magbibigay ng pahayag ang EU.

Matatandaang inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU dahil sa pangho-‘hostage’ nito sa bakuna ng AstraZeneca matapos ipatupad ang bagong mechanism na nagpapahintulot sa mga member-states na i-monitor at harangin ang exports ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments