Hindi kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maturukan ng booster shots laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroong mataas na antibody count ang pangulo matapos niyang makumpleto ang kaniyang vaccination.
Si Pangulong Duterte ay ikokonsiderang fully vaccinated dalawang linggo matapos niyang matanggap ang second shot.
Ang second dose ng Sinopharm vaccines ay itinurok sa pangulo ni Health Secretary Francisco Duque III.
Facebook Comments