Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi babakbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si US President Donald Trump sa oras na makarahap ito ng Pangulo sa darating na ASEAN Summit sa susunod na linggo.
Matatandaan na ilang beses na rin binakbakan ni Pangulong Duterte ang Estados Unidos at dumating pa sa punto na gusto ng Pangulo na paalisin ang US forces na nandito sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang pakay ni President Trump sa ASEAN Summit ay ang relasyon ng Estados Unidos ng Amerika at buong rehiyon ng South East Asia.
Pero kahit sa posibleng bilateral meeting nito kay Pangulong Duterte ay naniniwala din naman si Roque na hindi uusisain ng Pangulo si Trump at tututok ang paguusap sa pagpapaganda ng Bilateral relations ng dalawang bansa.