Manila, Philippines – Hindi gaanong kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte sa iniaalok na tulong ng National Democratic Front sa paglaban sa terorismo.
Matatandaang kamakailan, nag-offer ng tulong sa gobyerno ang komunistang grupo pero sa mga piling lugar lang sa Mindanao sa pamamagitan ng ceasefire agreement.
Pero ayon sa Pangulo, hindi siya kumbinsido bagama’t pagpapakita ito ng goodwill sa gobyerno.
Kasabay nito, iginiit ng Pangulo na hindi niya papayagan ang anumang negosasyon hangga’t hindi lumalagda ng unilateral ceasefire ang CPP-NPA-NDF.
Una nang kinansela ng pamahalaan ang ika-limang round ng peace talk nito sa komunistang grupo matapos na ipag-utos ng CPP sa NPA ang pagsasagawa ng mga pag-atake sa Mindanao bilang protesta sa martial law.
DZXL558