Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Pangulong Rodigo Duterte na kumuha siya ng troll army para ipagtanggol siya sa Social Media.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap na rin ng inilabas na pag-aaral ng Oxford University na nagsasabing umabot sa 10 milyong piso ang ginastos ni Pangulong Dutere para umupa ng mga online trolls para buweltahan ang mga bumabatikos sa kanya.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya kailangan ng mga ito dahil hindi na siya tatakbo sa anomang halalan at wala siyang pakialam kung tumaas o bumaba ang kanyang ratings.
Tinawag naman ng Pangulo na eskwelahan ng mga bobo ang Oxford University na naglabas ng nasabing pag-aaral.
Nabatid na binanatan naman ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa kanyang social media page mainstream media kung saan sinabi nito na maraming dapat pagtuonan ng pansin pero ang issue ng online trolls pa ang ibinabalita.
Pangulong Duterte, hindi kumuha ng mga online trolls para siya ay ipagtanggol
Facebook Comments