Pangulong Duterte hindi maiimpeach dahil sa dami ng kaalyado sa Kongreso ayon sa Malacanang

Tiwala ang Palasyo ng Malacanang na maibabasura lamang ang anomang impeachment complaint na maaaring isampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga naging pahayag nito sa issue ng territorial dispute sa South China Sea.

 

Matatandaan kasi na naghamon kagabi si Pangulong Duterte na kung mayroong gustong magsampa ng impeachment laban sa kanya ay gawin nalang ito.

 

Ayo kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi dapat kalimutan ng lahat na ang impeachment trial ay isang numbers game at mayroong super majority ngayon sa Congreso na kaalyado ni Pangulong Duterte.


 

Iginiit pa ni Panelo na marami sa mga mambabatas ngayon ang humahanga at buo ang suporta sa mga ginagawa ni Pangulong Duterte.

 

Sinabi ni Panelo na bukod dito ay tiwala din si Pangulong Duterte na wala siyang ginagawang unconstitutional dahil trabaho niya na protektahan ang bansa at ang mamamayan bilang pagsunod narin sa saligang batas.

 

Iginiit pa ni Panelo na base sa saligang batas ay isa sa pangunahing trabaho ng gobyerno ay pagsilbihan at protektahan ang mamamayan.

Facebook Comments