Pangulong Duterte, hindi maiwasang magalit sa mga sablay ng organizers ng SEA games

 

Nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinapit ng mga dayuhang atleta na kalahok sa 30th Southeast Asian Games pagdating nila dito sa Pilipinas.

 

Ayon kay Pesidential Spokesman Atty. Salvador Panelo hindi nagustuhan ng Pangulo ang mga nangyaring kapalpakan ng mga organizers ng SEA games.

 

Sinabi pa ni Panelo na sobrang dismayado ang pangulo at galit sa pangyayaring ito.


 

Paliwanag pa nito, dapat ay ginawan ito agad ng paraan ng mga organizers upang hindi na kumalat pa sa social media at naging tampulan ngayon ng ibat ibang kritisismo

 

Dapat aniya’y may fallback o 2nd option o last resort ang mga organizers lalo na sa pagsundo sa mga atleta para hindi maghintay ng ilang oras sa airport.

 

Bagaman hindi aniya maiiwasan ang mga ganitong sablay, pwede naman aniya itong maagapan, kung sa simula pa lamang ay mayroon nang contingency measures.

 

Giit pa ni Panelo, hindi dapat hinahayaan ng mga organizers na masira ang imahe ng bansa dahil lamang sa mga ganitong uri ng aberya lalo pa’t nakamasid dito ang buong mundo.

Facebook Comments