Manila, Philippines – Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagdalo sa Barangay Summit on Peace and Order na ginaganap ngayon sa Tacloban City, Leyte.
Ayon kay dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go, hindi na makadadalo ang Pangulo sa naturang aktibidad dahil masama ang kanyang pakiramdam.
Hindi naman na ipinaliwanag ni Go kung may sakit ba si Pangulong Duterte at kung ano ito.
Alas-4 sana mamaya inaasahan na darating ang Pangulo sa Tacloban.
Facebook Comments