Pangulong Duterte, hindi makikipag-usap sa NPA kung hindi magkakaroon ng ceasefire

Manila, Philippines – Pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikipag-usap sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF

Ayon sa Pangulo, hanggang hindi pumapayag ang rebeldeng grupo na magdeklara ng ceasefire ay hindi siya makikipag-usap sa mga ito.

Binigyang diin ng Pangulo na kung talagang gustong makipagbakbakan ng mga rebelde ay handa naman ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police para dito.


Sa ngayon aniya ay bibili na ng mga bagong armas at iba pang kagamitan ang pamahalaan para mapalakas ang kapabilidad sa pakikipaglaban.

Magdaragdag din naman ang Pangulo ng mga sundalo at pulis para mapalakas din ang pwersa ng gobyerno.

Facebook Comments