Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Panfilo Ping Lacson na sa ngayon ay imposibleng magtagumpay ang anumang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Katwrian ni Lacson, mahirap mapatalsik ang isang napaka popular na leader katulad ni Pangulong Duterte na may 82 percent approval and trust rate.
Mahirap aniyang ma-oust ang pangulo lalo na kung sa pamamagitan ng people power.
Ayon kay Lacson, imposible din na ang pagkilos ay manggaling sa militar sapagkat ang pangulo ay napakalapit sa mga sundalo.
Reaksyon ito ni Lacson sa pahayag ni Pangulong Duterte na nagsasabwatan ang Liberal Party at Komunistang Grupo para sya ay mapalayas sa pwesto.
Sabi ni Lacson, malinaw sa budget hearing ng Department of National Defense ang mga panahag nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Eduardo na wala silang namomonitor na planong destabilisasyon.
Gayunpaman, sinabi ni Lacson na posibleng may natanggap na bagong intelligence report ang pangulo kaugnay sa ouster plot laban sa kanya.