Mistulang nawalan umano ng gana si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawa.
Ito ang pahayag ni ALU-TUCP Spokesman Allan Tanjusay sa harap ng aniya’y nasirang tradisyunal na labor dialogue ng mga labor leader sa Malacañang tuwing mayo a-uno.
Aniya, bagama’t hinarap sila noon sa Malacañang, hindi naman natupad ang mga ipinangako noon ng pangulo gaya ng pagtapos sa endo o kontraktwalisasyon at pagbibigay ng mataas na pasahod sa mga manggagawa.
Ayon pa kay Tanjusay, nagsimulang manlamig si pangulong duterte sa pakikitungo sa labor sector nang tumaas ang kanyang rating sa mga survey.
Tinawag din niyang kasinungalingan ang ipinagmamalaki ng labor department na 450,000 na mga manggagawang na-regular sa trabaho.
Kasabay nito, kinumpirma ni Tanjusay ang paglahok ng kanilang grupo sa rally na ilulunsad sa May 1.