Malabong magbitiw pa sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung magdedesisyon siyang tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang patakarang nagmamandato sa pangulo na mag-resign kung maghahain siya ngk kanyang certificate of candidacy para sa ibang elective position.
“Wala po akong alam na rule na kinakailangan magbitiw sa puwesto kapag presidente ang tatakbo for vice president. Wala po akong alam na ganiyang rule,” sabi ni Roque.
“In the same way, wala pong rule na kapag nag-file ang vice president for presidency na kinakailangan magbitiw siya. Wala rin pong ganoon,” dagdag pa ng Palace official.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na seryoso niyang pinag-iisipang tumakbo sa pagkabise presidente para makaligtas o magkaroon ng immunity mula sa mga kasong isasampa ng mga kritiko.