MANILA – Muling iginiit ni Pangulong Duterte na wala siyang kinalaman sa mga kaso ng Extra Judicial Killings sa mas pina-igting na war on drugs ng pamahalaan.Sa talumpati sa malakanyang, sinabi ng pangulo na hindi siya mamamatay tao at hindi siya natutuwa sa mga pagpatay.Sumentro din ang speech ng pangulo sa ilegal na droga, kriminalidad at katiwalian.Muli ding ipinakita ng pangulo ang makapal na listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga kabilang na ang halos 2,000 pulis at 700 alkalde, mga kongresista at barangay captain.Idenepensa din ng pangulo ang kanyang pagsusulong sa pagbaba ng edad ng criminal responsibility.Umapela din ito na tulungan siya sa kampanya laban sa katiwalian.Ibinida rin ng pangulo ang pederalismo at nilinaw na wala siyang balak na magkapit-tuko sa pwesto.Ngayong araw (Dec. 13) ay papuntang Cambodia ang pangulo bago tumulak sa Singapore para sa back to back state visit na magtatapos sa Biyernes (Dec. 16).
Pangulong Duterte, Hindi Na Natutuwa Sa Mga Pagpatay
Facebook Comments