Pangulong Duterte, hindi naghihiganti kay Pacquiao – Malacañang

Hindi naghihiganti si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Manny Pacquiao matapos banggitin ang ₱2.2 billion na tax evasion case na kinakaharap ng mambabatas.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinunto lamang ni Pangulong Duterte na dapat “walk the talk” si Pacquiao pagdating sa paglaban sa korapsyon.

Aniya, ang pagtakas sa pagbabayad ng buwi ay ikinokonsiderang uri ng korapsyon.


“Hindi po yan resbak. Matagal na kaso na niya yan sa BIR,” ani Roque.

“Kaya nga sinasabi ni Presidente, akala ko ba ikaw ay anti-corruption. You have to walk to talk. if you are against corruption, bakit ikaw mismo eh hindi nagbabayad ng buwis, which is really a form of corruption dahil ikaw ay at the same time a public officer,” sabi pa ng Palace official.

Matatandaang noong 2018, ipinatigil ng Court of Tax Appeals ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pangongolekta ng 3 billion pesos na tax deficiency para sa taong 2008 at 2009 mula kay Pacquiao at asawang si Jinkee dahil sa kawalan ng merito.

Facebook Comments