Sultan Kudarat, Philippines – Hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng galit sa mga taga-Marawi City kung bakit pinayagan nilang makapasok ang ISIS sa kanilang lugar.
Sa pagharap sa mga miyembro ng 603rd Infantry Brigade sa Sultan Kudarat, Maguindanao – sinermonan ng Pangulo ang mga Maranao na daldal ng daldal ngayon, gayong nagsimula gulo dahil pinapasok nila ang ISIS.
Sa kanyang talumpati, binanggit ni Duterte ang pangalang Solitario o si dating Marawi City Vice Mayor Solitario Ali Salic, nakatatandang kapatid ni dating Marawi City Mayor Fajad Salic na nahuli sa Misamis Oriental dahil sa rebelyon at umanoy pagiging financier ng Maute Terror Group.
Iginiit pa ng Pangulo na matagal na siyang nagbabala kaugnay sa ISIS lalo ang pagkakagamit ng iligal na droga para pondohan ang terorismo sa bansa.
DZXL558