Manila, Philippines – Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gala dinner at Cultural Presentation ng Vietnam para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit kagabi.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pamamagitan ng kanyang facebook account.
Ayon kay Roque, hindi dumalo ang Pangulo bunsod ng dalawang mahalagang dahilan.
Una, kailangan daw ng pangulo na pangunahan ang ilan sa mga bagay na may kinalaman sa ASEAN hosting.
Ang ikalawa naman ay kailangan ding pamunuan ng pangulo ang pagliligtas sa mga Vietnamese na nabihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Nabatid na si Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano at ang kanyang asawang si Lani ang humalili sa Pangulo sa naturang event.
Facebook Comments