Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nakikipag-away sa mga pari.
Sa kanyang talumpati sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang “masamang tinapay” sa mga kaparian.
Ang kanyang ibinabatong kritisismo lamang ay para sa Simbahang Katolika.
Tinanong pa ni Pangulong Duterte kung mayroong pari sa kanyang audience.
Dito ay may tumayong isang police-priest, at agad na nag-peace sign si Pangulong Duterte at sinabing “peace father.”
Pinalakpakan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar at ng madla ang sinabi ng Pangulo.
Matatandaang sinabi noon ni Pangulong Duterte na minolestya siya ng isang pari noong siya pa ay nasa high school.
Palagi ring binabanatan ni Pangulong Duterte ang Simbahang Katolika dahil sa mga alegasyong pang-aabuso at korapsyon.