Nilinaw ng Malacañang na wala pa silang natatanggap na kopya ng resolusyon ng Senado hinggil sa pagsusulong ng mga ito na pansamantala munang ipasara ang operasyon ng E-sabong.
Ayon kay acting Presidential Spokesperosn at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kung susundin ang proseso, kailangan munang magkaroon ng resolusyon o rekomendasyon hinggil dito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na syang isusumite sa pangulo para sa kanyang go signal.
Sa ngayon ani Nograles, wala pang ganitong ipinarating na abiso o dokumento ang PAGCOR sa Office of the President.
Una nang sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na nagkausap na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabi umano nitong suportado niya ang nasabing hakbang ng Senado.