Wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang pagsusuot ng face mask.
Sa Talk to the People ng pangulo, sinabi nitong napatunayan mula sa mga pag-aaral na nakapagbibigay ng proteksyon ang pagsusuot ng tama ng face mask lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Dahil dito, sinabi ng punong ehekutibo na matatagalan pa ang pagsusuot natin ng face mask.
Hindi kasi naaalis ang pangamba ng pangulo sa mutations ng virus, tulad ng bagong COVID-19 variant sa Israel bagama’t wala pa itong kumpirmasyon mula sa mga eksperto.
Kasunod nito, nakikiusap si Pangulong Duterte sa mga mambabatas na huwag galawin ang mga natirang bayanihan funds.
Aniya, paghuhugutan ang nasabing pondo sakaling may makapasok ulit na bagong variant at muling magkaroon ng COVID-19 surge.