Pangulong Duterte, hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine – PSG

Hindi pa nakatatanggap ng bakuna si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Security Group (PSG) Commander Brigadier General Jesus Durante III, hinihintay pa ng Pangulo ang ‘perpektong’ bakuna.

Ang pagpapabakuna ng PSG Personnel, sinabi ni Durante na bahagi ng kanilang misyon na matiyak ang proteksyon ng Pangulo mula sa coronavirus.


Tinitiyak lamang nila na ang mga PSG members ay hindi bansa sa kalusugan at kaligtasan ng Pangulo.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang ideya kung nabakunahan na ang Pangulo laban sa COVID-19 pero maaaring hinihintay lamang niya ang bakuna mula sa China at Russia.

Matatandaang ibinunyag ni Pangulong Duterte na may ilang miyembro ng PSG ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Facebook Comments