Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinampang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Matatandaan kasi na kahapon ay nagsampa ng impeachment complaint ang VACC laban kay Sereno dahil sa umanoy Culpable Violation of the Constitution pero wala namang kongresista na na nagendorso nito.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proseso na itinakda ng saligang batas kaugnay sa nasabing usapin.
Paliwanag ni Banaag, hahayaan nalang ni Pangulong Duterte na gumulong ang proseso at gawin ng mga mambabatas ang kanilang mandato.
Hindi din naman masabi ni Banaag kung magbibigay din ng komento sa issue ang Pangulo tulad ng ginawa nito nang may magsampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo kung saan sinabi ng Pangulo na itigil na ito.
Pangulong Duterte, hindi pakikialaman ang impeachment case ni Chief Justice Sereno
Facebook Comments