Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikialam sa pagharap ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa imbestigasyon nito sa nakalusot na 6.4 billion pesos na halaga ng shabu sa Bureau of Customs.
Ayon kay Pangulong Duterte, hahayaan lang niya si Pulong at ang manugang na si Atty. Manases Carpio na humarap sa senado dahil baka kapag pinayuhan niya ang mga ito ay puro espekulasyon lamang ang lumabas sa Media.
Hahayaan nalamang din aniya niya ang mga abogado ng dalawa para mabigyan ng legal advice.
Paliwanag pa ng Pangulo, may sarili nang pag-iisip ang dalawa kaya kaya nang dalhin ng mga ito ang kanilang mga problema o kinakaharap na sitwasyon.
Sinabi lang din niya aniya sa mga ito ay dumalo na sa pagdinig kung wala namang talagang kasalanan.
Hindi din naman aniya bago ang mga ibinabato ni Senador Antonio Trillanes sa kanyang pamilya dahil mayor pa lamang aniya siya ng Davao City ay ito na ang mga akusasyon sa kanila ng senador kabilang na ang pagiging smuggler umano ng kanyang anak.
Pangulong Duterte, hindi panghihimasukan ang pagdalo ng kanyang anak at manugang sa imbestigasyon ng senate blue ribbon committee
Facebook Comments