Pangulong Duterte, hindi papayagang tumakbo sa Presidential post ang anak na si Mayor Inday Sara

100

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Skyway 3 project sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na marami ang nag-uudyok sa kanyang anak na tumakbong Presidente pero sinabihan niya ito na huwag magpadala sa mga nanghihikayat sa kanya.


Aniya, naaawa ito sa posibleng pagdaanan ni Mayor Sara batay sa karanasan nito dahil hindi pambabae ang pagiging Presidente.

“And my daughter, inuudyok naman nila, sabi ko, “My daughter is not running.” I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko. Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional setup of a woman and a man is totally different.” ani Pangulong Duterte.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na sa kabila ng matinding pagtutol nito ay marami pa rin ang pursigidong suyuin si Mayor Sara para tumakbong Presidente.

Facebook Comments