Pangulong Duterte, hindi raw susuporta kay BBM sa kandidatura nito bilang presidente

4383

Hindi susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ng presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos.

Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na sa halip ay ibibigay niya ang suporta kay Senator Bong Go na naghain din ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkapresidente nitong Sabado.

Ayon sa pangulo, magkahalintulad lamang din si Marcos at Vice President Leni Robredo na sumusuporta umano sa mga komunista.


Bukod kay Marcos, sinabi rin ng pangulo na hindi niya ibibigay ang suporta kay Senator Manny Pacquiao na kamakailan lamang ay dumalaw sa kaniya sa Malacañang.

Samantala, inamin naman ng pangulo na siya ang naghimok kay Go na tumakbo bilang pangulo matapos maghain ng COC ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Facebook Comments