Pangulong Duterte, hindi sasabay sa pagpapabakuna ng ibang seniors

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sumama sa iba pang senior citizens na nakatakdang tumanggap ng COVID-19 vaccines.

Nabatid na ang mga senior citizens ang pangalawa sa vaccine priority list, pagkatapos ng healthcare workers.

Sa kanyang Talk to the People Address, sinabi ni Pangulong Duterte na diskwalipikado na siya sa listahan ng mga seniors.


Aniya, plano muna niyang kumonsulta sa kanyang doktor at hintayin dumating ang isang brand ng bakuna.

Bago ito, ihihayag ng Pangulo na mas gusto niyang magpaturok ng Sinopharm vaccines pero wala pa itong emergency use approval mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments