Pangulong Duterte, hindi satisfied sa tugon ng China sa Arbitral Ruling

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magbabago ang katayuan ng China hinggil sa pag-angkin nito sa buong South China Sea.

Sa Press Conference sa Malacañan kagabi, sinabi ng pangulo na hindi kikilalanin ng China ang 2016 decision ng permantent court of arbitration sa the hague.

Pero inihayag ni Pangulong Duterte kay Pres. Xi na hindi siya satisfied sa sagot nito.


Binigyang diin pa ng pangulo na mananatiling problema ang isyu sa agawan ng teritoryo.

Hindi na rin niya pipilitin si Pres. Xi lalo’t “under stress” ito dahil sa kaguluhan sa Hong Kong.

Dagdag pa ng pangulo na magiging katapusan ng ating sibilisasyon kung idadaan sa giyera ang usapin.

Facebook Comments