Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) nang hindi makumbinsi si Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, noong una ay sinang-ayunan ng Pangulo ang rekomendasyon ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na ibalik sa MECQ ang Metro Manila.
Pero umapela aniya sina National Policy against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. at Interior Secretary Eduardo Año.
Ang Cebu City ay ibinaba sa MECQ simula ngayong araw.
Bukod sa NCR, nasa ilalim din ng GCQ ang sumusunod:
- Laguna
- Cavite
- Rizal
- Lapu-Lapu City
- Mandaue City
- Ormoc City
- Southern Leyte
- Zamboanga City
- Butuan City
- Agusan del Norte
- Basilan
- Talisay
- Minglanilla
- Consolacion
Nasa ilalim naman ng Modified GCQ (medium risk) kung saan mahigpit ang pagpapatupad ng localized lockdown ang sumusunod:
CORDILLERA:
- Benguet
- Baguio City
ILOCOS REGION:
- Ilocos Sur
- Pangasinan
- Ilocos Norte
- La Union
- Dagupan City
CAGAYAN VALLEY:
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Vizcaya
CENTRAL LUZON:
- Bataan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Bulacan
- Tarlac
- Zambales
- Angeles City
CALABARZON:
- Batangas
- Quezon
- Lucena City
MIMAROPA:
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro
- Puerto Princesa City
BICOL REGION:
- Albay
- Masbate
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Sorsogon
- Naga City
WESTERN VISAYAS:
- Iloilo
- Negros Occidental
- Capiz
- Antique
- Aklan
- Guimaras
- Iloilo City
- Bacolod City
CENTRAL VISAYAS:
- Negros Oriental
- Bohol
- Cebu Province
EASTERN VISAYAS:
- Western Samar
- Leyte
- Biliran
- Tacloban City
ZAMBOANGA PENINSULA:
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga del Norte
NORTHERN MINDANAO:
- Misamis Occidental
- Bukidnon
- Lanao del Norte
- Cagayan de Oro City
- Iligan City
DAVAO REGION:
- Davao Oriental
- Davao del Norte
- Davao del Sur
- Davao de Oro
- Davao City
SOCCSKSARGEN:
- Sultan Kudarat
- Cotabato
- South Cotabato
- General Santos City
BARMM:
- Lanao del Sur
- Maguindanao
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ (low risk) hanggang katapusan ng Hulyo.
Batay sa pagtaya o projection ng UP Experts, posibleng umabot sa 80,000 ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng buwan.