Hindi nangangahulugang mas bilib si Pangulong Rodrigo Dutete kay Senator Bong Go kaysa sa kanyang sariling anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque makaraang hayagang sabihin ng pangulo sa meeting nila ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na nais nyang tumakbo bilang presidente si Go sa 2022 national elections.
Ayon kay Roque, dati naman nang binubuyo ng pangulo si Go na tumakbo sa pagka-pangulo ngunit ayaw di umano ng senador.
Sa bibig na mismo nanggaling ng pangulo na kaya ayaw niyang sumabak sa pagka-pangulo si Sara ay dahil nais niya lamang itong protektahan mula sa pangit na aspeto ng pulitika.
Facebook Comments