Manila, Philippines – Mariing tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-dedeklara ng martial law sa buong bansa.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa harap narin ng pangamba ng ilang sector na pauna lamang ang pagdedeklara ng Martial law sa Mindanao at nagaabang lang ang Pangulo ng pagkakataon na ideklara din ng batas militar sa Luzon at Visayas region.
Ayon kay Pangulong Duterte, hinding hindi niya ito gagawin dahil ayaw niyang magmukhang estpido sa harap ng mga Pilipino at hindi aniya siya handa na matawag ng ganito.
Binigyang diin din ni Pangulong Duterte na hindi dapat ikumpara ang kanyang ipinatutupad na Martial Law sa idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Facebook Comments