Pangulong Duterte, hinihingan ng bagong report ang World Bank ukol sa performance ng mga Pilipinong estudyante

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apology ng World Bank (WB) matapos nilang ilabas ang report ukol sa kakayahan ng mga Pilipinong estudyante.

Matatandaang lumabas sa report na 80-porsyento ng mga estudyanteng Pinoy ay mababa ang basic match at reading skills.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, nais ni Pangulong Duterte na makita ang bago at aktwal na assessment ng WB sa performance ng mga mag-aaral.


“For the sake of transparency and policy direction, we would like to know the latest assessment matrix of student performance and achievements, as well as the latest national data and figures in terms of learning outcomes, especially during the pandemic so we can identify which lapse should be addressed,” ani Pangulong Duterte.

Dapat aniya mag-ingat ang mga international bodies sa pagsasagawa ng kanilang pag-aaral.

“I do not want to begrudge World Bank but international bodies working on the problems of the world should be very careful in their statistics,” anang pangulo.

“It is not good to commit a wrong, internationally. But good as any, we welcome their apology,” dagdag pa ng pangulo.

Pinuri ni Pangulong Duterte si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa pagtawag nito ng pansin sa WB ukol sa isyu.

Kumpiyansa ang pangulo na bumubuo na ang DepEd ng bago datos na isusumite sa WB para maitama nila ang kanilang mga datos.

Facebook Comments