Hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Panfilo Lacson na isapinal ang mga maliliit na detalye bago lagdaan ang kontroberyal na Anti-Terrorism Bill.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binanggit ito ni Pangulong Duterte sa kanyang public address subalit hindi ito naisama sa broadcast.
Pero sinabi ni Roque na “rhetorica” ang pahayag ng Pangulo lalo na at binubusisi na ng Office of the Executive Secretary.
Ang mga mahahalagang pananaw sa panukala ay manggagaling mula sa Office of the Executive Secretary lalo na sa Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
Bukod dito, mahalagang mapakinggan din ang opinyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil dito.
Tiniyak naman ni Roque na pag-aaralang mabuti ng Pangulo ang panukala bago magpasyang pirmahan o i-veto.
Sa ilalim ng panukalang batas, layunin nitong palitan ang Human Security Act of 2007.