Pangulong Duterte, hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng task force PhilHealth

Hinihintay na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyong isinasagawa ng kaniyang Task Force bago gumawa ng hakbang sa mga nangyayaring anomalya sa PhilHealth.

Nabatid na inirekomenda ng Senado na sampahan ng kasong malversation at iba pang criminal charges laban kina Health Secretary Francisco Duque III, resigned PhilHealth President Ricardo Morales at iba pang senior officials hinggil sa iregularidad sa ahensya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat iginagalang nila ang rekomendasyon ng Senado, mas nais ni Pangulong Duterte na hintayin ang magiging rekomendasyon ng task force na kaniyang binuo.


“Let’s just say that we respect that recommendation of the Senate as an independent body but the President has created a task force that will determine the culpability of individuals. The President will have to await the formal findings of his task force,” ani Roque.

Ang Task Force PhilHealth ay pinangungunahan ng Department of Justice.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinatapos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra kanilang imbestigasyon sa PhilHealth.

 

Facebook Comments