Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyanteng Hapon para mamuhunan sa agrikultura at digital economy ng Pilipinas.
Sa virtual international conference na inorganisa ng Nikkei Inc., sinabi ni Pangulong Duterte na plano niyang isulong ang agricultural modernization program at e-commerce.
Binanggit din ng Pangulo ang pagpirma niya sa isang batas na nagbibigay ng magandang insentibo sa lahat ng enterprises at investors.
“Active participant” din aniya ang Pilipinas sa global digital economy.
Aminado si Pangulong Duterte na malaki ang naging epekto ng pandemya sa de-globalization kung saan maraming developing countries ang nawalan ng trade opportunities.
Binigyang diin niya na ang malayang galaw ng mga produkto at serbisyo at pagpapaunlad ng human resources at susi sa pagbangon at kasaganahan.