Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Pilipino na magdasal para sa ikababangon ng bansa mula sa pandemya

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na patuloy na magdasal para sa ikababangon ng Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic.

Sa isang interfaith prayer meeting, sinabi ni Pangulong Duterte na ang kasalukuyang krisis ay naging mahirap na hamon para sa lahat.

Sa oras ng pagsubok, nararapat lamang aniya na humingi ng gabay sa Panginoong Diyos para daan tungo sa mabilis na paggaling.


Dagdag pa ni Pangulong Duterte na bilang isang matibay, matatag, at may pananampalatayang bansa, dapat lamang ibigay ang buong tiwala sa Panginoon at umaasang sa pamamagitan ng mga panalangin ay maghihilom ang buong bayan.

Nakikiisa si Pangulong Duterte ang buong bansa sa panalanging makabangon ang bansa mula sa pandemya.

Ang interfaith prayer meeting ay pinamagatang: “The Whole Nation: Pray as One! Heal as One!” kung saan iba’t ibang religious leaders ang nagtipon-tipon na inorganisa ng Office of the Presidential Adviser for Religious Affairs.

Facebook Comments