Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Pilipino na sundin ang health protocols at magpabakuna

Gumagawa na ng mga hakbang ang pamahalaan para sa ligtas na pagbubukas ng ekonomiya pero kailangan ng kooperasyon ng publiko.

Habang nananatiling banta ang COVID-19 sa buhay at kabuhayan, apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magpabakuna laban sa sakit.

Pinayuhan din ng pangulo ang lahat na sundin pa rin ang health protocols lalo na sa trabaho at kapag sasakay sa pampublikong transportasyon.


Pagtitiyak ni Pangulong Duterte na mapapakinabangan ng lahat mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build program tungo sa maginhawang pamumuhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments