Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Pangulong Rodrigo Duterte na utusan ang Bureau of Internal Revenue o BIR na bawiin ang 25% corporate income tax sa mga pribadong paaralan.
Ayon kay Drilon, ang nabanggit na buwis ay inilagay ng BIR sa Implementing Rules ang Regulation o IRR kahit hindi naman nakapaloob sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Law.
Diin ni Drilon, malinaw ang itinatakda ng CREATE Law na 1% income tax sa mga educational institutions sa loob ng dalawang taon para tulungan silang makabangon mula sa matinding hagupit ng pandemya.
Babala ni Drilon, kapag hindi naitama ang hakbang ng BIR ay tiyak maraming mga private schools ang magsasara at makakadagdag ito sa 8.7% na unemployment rate sa bansa na naitala nitong April 2021.