Sinisilip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang national body na mangangasiwa sa pagtugon sa anumang disease outbreaks.
Ito ay sa gitna ng paglaban ng bansa sa coronavirus pandemic.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), humiling siya sa Kongreso ng suporta para sa pagtatatag ng National Disease Prevention and Management Authority.
Sinabi ng Pangulo na ang COVID-19 ay hindi magiging huling pandemyang kakaharapin ng bansa.
Mahalaga aniyang mayroong ahensyang nakatutok dito para sa mabilis na pagresponde sa mga susunod na outbreak.
Bagama’t kinakailangan ng pondo para dito, maaaring magtatag ng kaparehas na tanggapan sa ilalim ng Department of Health (DOH).
Facebook Comments