Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas na makakatulong sa pagtugon laban sa Omicron variant ng COVID-19.
Sa talumpati nito sa malakanyang kasunod ng paglagda sa P5.024 trilyong 2022 budget, inamin ng pangulo na natatakot siya sa posibleng maging epekto ng bagong variant.
Hindi kasi aniya sapat ang resources ng pamahalaan kung muling magkakaroon ng surge dahil nagpapatuloy pa ang pandemya.
Kasabay nito, umaasa si Pangulong Duterte na makakaahon ang Pilipinas sa bagong pagsubok na dulot ng Omicron variant.
Umaabot na sa apat ang naitalang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas kung saan isang 38-anyos na babae mula sa Amerika ang ikaapat na kaso.
Facebook Comments