Pangulong Duterte, hinimok ang LGUs na tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa vaccination sites

Hindi tayo nagkulang sa bakuna.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasunod ng mga napaulat na aberya sa ilang vaccination sites.

Sa kaniyang talk to the nation address, sinabi ng Pangulo na nagkaroon ng problema sa mga Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng vaccination rollout.


Ipinunto ng Pangulo ang dami ng mga pumipila para magpabakuna sa mga itinalagang vaccination sites kahit madaling araw pa lamang.

Ayon sa Pangulo, kinakailangang maging pro-active ng LGUs mula sa pagdating pa lamang sa kanila ng mga supply at magkaroon ng maayos na rollout upang hindi na maghintay ang mga indibidwal na gustong magpabakuna.

Kasunod nito, hinimok din ni Pangulong Duterte ang LGUs na maglagay ng karagdagang vaccination sites para hindi na magkaroon ng pagdagsa lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments