Pangulong Duterte, hinimok ang mga LGU na magpasa ng ordinansang magbabawal sa mga kabataang edad 12 pababa na makapasok sa mall

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansang magbabawal sa mga kabataang edad 12 pababa na pumasok sa mga mall.

Bilang pag-iingat na rin ito sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 matapos magpositibo sa virus ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na dapat payagan ang mga nasabing edad na pumasok sa mga mall dahil sa banta sa kanilang kalusugan.


Rekomendasyon mismo ang plano ng Inter-Agency Task Force (IATF) na layong protektahan ang mga kabataan na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments