Pangulong Duterte, hinimok ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra polio, tigdas at rubella

Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polio, tigdas at rubella sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ito ang panawagan ng Pangulo kasabay ng paglulunsad ng Department of Health (DOH) ng malawakang immunization program para isulong ang proteksyon ng mga bata mula sa mga naturang sakit.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pinakamahalagang aral na dapat matutunan ngayong pandemya ay ang seryosong pagtugon sa banta ng communicable diseases.


Bukod sa mga magulang, nanawagan din si Pangulong Duterte sa mga local government leaders at iba pang community stakeholders na suportahan ang immunization activity.

Ipinahayag din ng Pangulo ang kanyang ‘unconditional support’ sa DOH, World Health Organization (WHO) at sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa nationwide measles, rubella at polio immunization activity.

Ang vaccination program ay sinimulan noong October 26 at magtatagal hanggang November 26.

Facebook Comments